Home

The Pain

February 28, 2006

Nakakainis talaga itong month na to para sa akin.. Hay naku nakakapagod na! Sa buong linggo ng buwan na ito walang ibang ginawa ang aking pakner kundi gumimick kasama ang officemates o di kaya barkada.. Minsan sinabi ko sa sarili ko kailan kaya sya magbabago kapag patay na ako o kapag wala na akong trabaho? Anyway i really try my best para hindi ako magalit sa kanya o hindi kami magtalo kaso hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na magalit.  Kapag ako ay naiinis mas gugustuhin ko na wag mo akong kausapin at kapag kinausap mo ako ang sasabihin ko sa yo "Huwag mo akong kakausapin kung ayaw mong magsermon ako sa yo" pero sadya atang may taong makulit kaya hayun nagsesermon tuloy ako pero after kong mailabas ang galit ko sa kanya syempre kalmado na naman ako inshort ok na ulit kami.  Tapos ang nakakainis pa don mag propromise sya na hindi nya na uulitin eto na naman ang friday at saturday gimmick ulit sya.. kaya inis na ins na ako.    One time sinubukan kong pumunta sa birthday ng friend ko at kinabukasan na ako umuwi i felt so bad kasi sabi sa akin ng nanay ng pakner ko hindi makatulog ang baby ko kasi hinahanap ako (ang bad ko noh) Bakit kaya ganon yung mga boys/guys walang kunsyensya kapag gumigumick? Anyway siguro talagang ganon ang mga boys/guys gusto nila talagang gumimick.  Gusto ko mang habaan ang pisi ko hindi ko talaga kaya.  Sometimes i wish bawasan na yung love ko sa kanya para hindi na ako magalit o mag-alala everytime na gumigimick sya pero kapag iniisip ko ang baby ko nandon na yung sinasabi ko sa sarili ko kailangan kong maging matatag para sa kanya.  Whatever happens basta kasama ako baby ko kakayanin ko. The pain in my heart is still here but as long as i see my son smiling at me happy na rin ako.

Posted by thoughts at 10:02 am | permalink | comments[1]